Pinangangambahan ni Senador Panfilo Lacson ang pagbabalik ng aniya’y happy pork barrel days ng mga mambabatas kahit naideklara na itong labag sa konstitusyon ng Korte Suprema.
Ito ang iginiit ni Lacson oras na hindi aniya mabusising mabuti ang panukalang pambansang pondo para sa sususnod na taon.
Kasunod na rin aniya ito ng naging policy statement ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na mabibigyan ng pondo ang lahat ng mga kongresista, maging ang mga nasa oposisyon para sa mga proyekto sa kani-kanilang distrito.
Ayon kay Lacson, kanya nang inaasahan ang malawakang pangbabago o pagpapaikot sa national expenditure program kaya marami pa siyang dapat bantayan at suriin sa proposed 2019 national budget.