Kinumpirma ni Vice President Leni Robredo na tuloy ang hapunan nila ni Pangulong Rodrigo Duterte pagkatapos ng Semana Santa.
Gayunman, hindi na nagbigay ng karagdagang detalye si Robredo kung kailan mismo at saan gaganapin ang hapunan.
Matatandaang noong nakaraang buwan, inimbitahan ng Pangulo si Robredo para sa isang dinner sa gitna ng planong pagpapa-impeach sa dalawang lider ng bansa.
By Meann Tanbio