Hindi na ikinagulat ng kampo ni dating Pangulong Noynoy Aquino ang isinampang kasong plunder laban sa kaniya at kay Budget Secretary Florencio Butch Abad
Ito’y may kaugnayan sa usapin ng multimilyong Pisong Disbursement Acceleration Program o DAP na isinampa ng mga militanteng grupo
Ayon kay Atty. Abegail Valte, tagapagsalita ng dating Pangulo, malinaw na bahagi lamang ito ng harassment laban sa dating Pangulo
Gayunman, sinabi ni Valte na hindi pa sila makapagkokomento sa kaso dahil hindi pa natatanggap ni ginoong Aquino ang kopya ng reklamong inihain laban sa kaniya
By: Jaymark Dagala