Nagsimula na ang isang linggong hard lockdown sa barangay Mauway Mandaluyong City.
Ayon kay Jimmy Isidro, tigapagsalita ni Mandaluyong Mayor Menchi Abalos, naihanda naman nila ang mga residente ng Mauway sa pamamagitan ng pagpapadala ng ayuda na tatagal ng isang linggo.
Layon aniya nito na mabigyang daan ang mass testing sa barangay at maihiwalay agad ang mga posibleng carrier ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ang barangay Mauway ang ikalawang barangay sa Mandaluyong na naisailalim sa lockdown kasunod ng Addition Hills.
Natatanggal namin dun sa barangay yung mga probable muna atleast hindi na mangangamba ang mga tao na meron silang kapitbahay na probable, ganun yung tiningnan natin. Sinuplayan naman namin sila ng mga karagdagang pagkain for one week,” ani Isidro. — panayam mula sa Ratsada Balita.