Sinuyod ng mga kawani ng Philippine Iron and Steel Institute (PISI) at Department of Trade and Industry (DTI) ang mga hardware na nagbebenta ng mga ‘substandard steel bars’ na siyang ginagamit sa rebar para pagtibayin ang mga itinatayong gusali.
Ang naturang operasyon ay makaraang mabatid na may mga bagong batch ng rebars ang ibinibenta sa merkado na hindi nakasisiguro sa tibay at gumawa nito.
Nabatid ng pinagsanib na pwersa ng PISI at DTI ang substandard na mga rebars na nanggaling sa ilang hardware sa Central Luzon.
Kasunod nito, makaraang sumailalim sa masusing pag-iimbestiga, bigong maabot ng mga kumpanyang may gawa sa mga substandard na rebars ang itinakdang batayan ng Philippine National Standard (PNS) para ligtas na gamitin sa kontruksyon sa bansa.