Isinugod sa isang ospital sa riyadh ang hari ng saudi arabia na si King Salman Bin Abdulaziz.
Batay sa ulat, isinasailalim sa ilang medical checkup ang 84 anyos na hari ng Saudi Arabia dahil sa cholecystitis o pamamaga ng apdo.
Kasunod nito, sinabi ni Saudi Arabia Foreign Minister Prince Faisal Bin Farhan Al Saud na kanselado na ang nakatakda sanang pagbisita ni Iraqi Prime Minister Mustafa Al-Kadhimi Sa Saudi Arabia.