Nanindigan ang hari ng Saudi Arabia na hindi siya sang- ayon sa plano ni US President Donald Trump na ilipat ang embahada ng Amerika sa Jerusalem.
Ginawa ni King Salman ang pahayag sa pagbubukas ng Arab League Summit.
Giit ng hari, ang East Jerusalem ay isang integral part ng Palestinian territories.
Una nang sinabi ni Trump na plano nitong ilipat ang US Embassy mula Tel Aviv papuntang Jerusalem.
—-