“Kasuhan, ikulong… nang ibalik ang takot sa puso at sa isipan ng mga korap sa PhilHealth.”
Iyan ang binigyang-diin ni Atty. Harry Roque, isa sa mga tagapag-sulong ng Universal Health Care, laban sa mga umano’y korap na opisyal ng PhilHealth.
Siya na mismo, ani Roque, ang kikilos at magsasampa ng kaso laban sa mga korap na opisyal partikular na ang dating pangulo ng PhilHealth na si Roy Ferrer at mga miyembro ng kanyang board.
Ito ang ibinunyag ni Roque sa panayam ng DWIZ at hindi na aniya niya hihintayin pa ang hakbang ng senado.
Taong 2015 aniya nang nagsagawa ng imbestigasyon ang senado hinggil sa naturang isyu kung saan nasiwalat na ang lahat ng kababalaghan sa PhilHealth ngunit wala pa rin aniyang nangyayaring pagtuligsa para matuldukan ang anomalya sa ahensya.
Ako na po ang magsasampa, hindi ko na po iintayin ang senado, kasi alam niyo wala namang nangyayari d’yan,” ani Roque.
Kasong malversation aniya ang kanyang isasampa laban sa mga ito na maaari pang umabot sa plunder kung aabot sa halagang limampung bilyong piso ang halaga ng nakurakot na pondo.
Paglilinaw pa ni Roque, isa itong uri ng korupsiyon at hindi basta lamang estafa.
Malversation po ‘yan at titignan natin kung aabot hanggang P50-B para maging plunder,” ani Rique.
Usapang Senado Interview