Mananatiling Lead Counsel ng Pilipinas sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) hinggil sa war on drugs ng Duterte administration si dating Presidential Spokesman Harry Roque.
Ito ang kinumpirma ni Roque matapos pulungin ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Junior sa kauna-unahang pagkakataon ang kanyang legal team, para sa ikakasang hakbang ng gobyerno sa ICC.
Sa gitna ito nang muling pagpapatuloy ng ICC ng imbestigasyon sa war on drugs ng Pilipinas.
Ayon kay Roque, lahat ng magiging usapan nila PBBM hinggil sa ICC ay magiging confidential at desisyon na ng pangulo kung isasapubliko ito.
Bukod sa natalong senatorial candidate, present din sa pulong sina Solicitor General Menardo Guevarra, Executive Secretary Vic Rodriguez, Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile, Justice Secretary Crispin Remulla at DFA Secretary Enrique Manalo.