Nananatiling miyembro ng House of Representatives bilang kinatawan ng Kabayan Partylist Group si Congressman Harry Roque.
Nilinaw ito mismo ni Roque makaraang ihayag ng Kabayan Partylist na pinatatalsik na siya bilang miyembro ng partido.
Ayon kay Roque, tanging ang pamunuan ang Kamara ang may karapatang magtanggal o magsuspindi ng kongresista kahit pa sa mga partylist representatives.
Una nang inihayag ng Board of Trustees ang pagpapatalsik kay Roque sa kanilang partido dahil taliwas na di umano sa kanilang adbokasiya ang mga iginagawi nito sa Kongreso.
Disyembre ng nakaraang taon nang punahin ng mga miyembro ng Kabayan Partylist ang tila hindi magandang pagtatanong ni Roque kay Ronnie Dayan hinggil sa relasyong sekswal nito kay Senador Leila de Lima.
Bahagi ng pahayag ni Congressman Harry Roque
COMELEC
Nasa kamay na ng Commission on Elections (COMELEC) ang desisyon kung sino ang mga opisyal na miyembro ng Kabayan Partylist makaraang maghain si Congressman Harry Roque ng intra-partylist dispute sa komisyon.
Ang reklamo ay inihain ni Roque makaraang ihayag ng kanilang Board of Trustees ang pagpapatalsik sa kanya bilang kinatawan at miyembro ng partido.
Sa ilalim ng inihain nyang reklamo, ipinalulusaw ni Roque ang kasalukuyang Board of Trustees ng Kabayan Partylist na nagpatalsik sa kanya dahil pawang mga kakampi anya ito ng kanyang second nominee na si Ron Salo.
Sinabi ni Roque na nag-ugat ang pagpapatalsik sa kanya nang sabihan niya si Salo na magpalamig muna upang hindi madamay sa kinakaharap nitong kaso ang kanilang partido.
Si Salo ay nahaharap sa kasong estafa at falsification of public documents dahil sa naging papel nito sa di umano’y maanomalyang 3.8 billion motor vehicle license plate standardization program ng Land Transportation Office (LTO).
Bahagi ng pahayag ni Congressman Harry Roque
By Len Aguirre | Credit to: Ratsada Balita (Interview)