Nahaharap si dating Presidential Spokesman Attorney Harry Roque sa disbarment case na inihain sa korte suprema ni dating Cabinet Secretary Attorney Melvin Matibag.
Ito ay kaugnay sa malicious post na na-uugnay kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa viral na polvoron video.
Ayon kay Attorney Matibag, dapat nang tanggalan ng lisensya bilang abogado si Roque dahil sa paglabag nito sa professional responsibility at accountability.
Binigyang diin ng dating cabinet secretary na napatunayang peke ang viral video.
Una nang sinabi ng mga opisyal na “deepfake” O digitally manipulated ang video na sinasabing nagpapakita ng gumagamit ng droga dahil bahagi ito ng isang pagtatangka na i-destabilize ang gobyerno.