Nilinaw ni incoming Presidential Spokesman Harry Roque na ang milyon – milyong followers ni Presidential Communications Operations Office o PCOO Undersecretary Mocha Uson ang kanyang audience nang magbanta siyang hahagisan niya ng hollow blocks ang mga kritiko ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Roque, tinitiyak lamang niya sa mga taga-suporta ng Pangulong Duterte na kaya niyang protektahan ang Pangulo mula sa mga kritiko.
You can take it literally or figuratively but what I meant was, since I believe in free market place of ideas, stones crowd are welcomed but expect to have bigger stones thrown back at you.
I think that’s major in the free market place of ideas. It is only where we have clashes of ideas that we are able to do sort of what the truth is and what is right.
Tiniyak ni Roque sa mainstream media na bukas siya sa mga nagbabanggaang opinyon at baliktatakan ng mga isyu dahil bahagi ito ng isang demokrasya.
For the purposes of the mainstream media I could have assure you that my track records speak for itself. I am for preaching of ideas and I welcome opposing and conflicting views as healthy of the democracy.
Samantala, bukas ang Malakanyang sa pagkakabuo ng grupong Manlaban sa EJK na binubuo ng mga abogado, law professors, judges at mga estudyante ng abogasya.
Ayon kay incoming Presidential Spokesman Harry Roque, magandang pagkakataon ito upang makapaglatag ng mga ebidensya ang grupo na makapagpapatunay na mayroong extra judicial killings o EJK’s sa bansa.
I welcome this development, because unless you can come up with actual evidence na merong extra-legal killings talaga then we cannot overcome with presumptions.
Iginiit ni Roque ang posisyon ng Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya kinukunsinti at kukunsintihin ang EJK.
But as far extra-legal killings is concern, I came to this job knowing fully well the official position of the President which he made public after the killing of Kian [Loyd Delos Santos], he [Pangulong Duterte] will not tolerate murders, he will only tolerate killings when it is line with the duty and when the engagement is legal and he had in fact us that the police officers involved in the Kian killing be arrested by General Bato.