Ikinatuwa ng grupong Metro Manila Hatchback Community ang kautusan ng Department of Transportation (DOTr) na nagbibigay pahintulot sa mga hatchback na sasakyan na makapag-operate na bilang mga transport network vehicle service (TNVS).
Ayon kay Metro Manila Hatchback Community chairman Jun De Leon, kanilang pinasasalamatan si Transportation Secretary Arthur Tugade sa pasiya nito pabor sa kahilingan ng mga hatchback drivers at operators.
Gayunman, idinaing ni De Leon ang panibagong hakbang ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para maantala at mapabagal ang proseso sa pag-reactivate ng mga hatchback units para muling makabiyahe.
Kabilang aniya rito ang utos ng LTFRB sa mga transportation network companies tulad ng Grab at MyTaxi.PH na magpalabas muna ng master list ng mga deactivated accounts ng TNVS operators at drivers.
Eto pong LTFRB, e mukhang hinaharang pa, e. Kailangan magpadala muna ng, ma-amyendahan muna ang department orders 2015-011 para ipatupad nila ito, mukhang gano’n ang gusto ng LTFRB. Tapos ipinasa na naman nila sa Grab, itong MyTaxi.PH or Grab na hinihingan sila ng master list ng mga deactivated accounts. Talagang pinapahirapan po ang, itong mga taga-LTFRB pinapahirapan po tayo talaga,” ani De Leon.
Ratsada Balita Interview