Muling ipatutupad ang Hatid Probinsya Program sa ika-25 hanggang ika-26 ng Hulyo.
Ayon kay National COVID-19 Plan Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr., mayroon nang mga biyahe sa buong bansa sa ilalim ng programa na una nang itinigil muna dahil sa limitadong kapasidad ng quarantine facilities.
Sinabi ni Galvez na aalisin na rin ang moratorium dahil aalis na ang mga locally stranded individuals (LSIs) na nasa isolation facilities ngayon matapos makumpleto ang quarantine period.
Inirekomenda ni Galvez ang pagsalang sa PCR testing para sa COVID-19 ng LSIs sa sandaling makabalik sila sa kani-kanilang mga probinsya para hindi na kumalat ang virus.