Walang problema kay Senate President Aquilino “Koko” Pimentel na hati ang posisyon ng ilang majority senator sa usaping pulitikal tulad ng pagpapalit ng committee chairman at kung saang komite dapat mai-refer ang isang resolusyon.
Pero, sinabi ni Pimentel na pagdating sa mga napagkasunduang legislative agenda, dapat ay nagkakaisa sila.
Oras aniyang mayroon silang kasamahan sa mayorya na kokontra sa common legislative agenda, doon na nila kailangang pag-isipan kung sino ang mga dapat kasama sa mayorya.
Ipinabatid ni Pimentel na binanggit sa kanya si Senador JV Ejercito na nagkamali siya ng sabihin nito sa media na panahon na para magpasya ang Liberal Party senators kung dapat na silang lumipat sa minorya dahil sa madalas na pagboto na salungat sa posisyon ng mayorya sa ilang isyu.
By: Meann Tanbio / Cely Bueno