Kinondena ng Pilipinas hatol na 4 na taong pagkaka-bilanggo sa pinatalsik na Leader ng Myanmar na si Aung San Suu Kyi.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., ginagamit na ng Military Junta ng Myanmar ang Judicial System upang patahimikin ang mga political opponents nito at durugin ang National League for Democracy.
Tiniyak ni Locsin na makikipag-ugnayan siya sa kanyang mga kapwa foreign minister sa ASEAN sa mga susunod na araw upang maibsan ang paghihirap ng mga mamamayan ng Myanmar at isulong ang dayalogo sa lahat ng stakeholders, lalo kay Suu Kyi.
Una nang ipinanawagan ng Pilipinas sa liderato ng Myanmar na palayain na ang lahat ng political prisoners, panatilihin ang mga demokratikong institusyon at proseso, tuldukan na ang karahasan at irespeto ang karapatang-pantao at rule of law.