Posibleng ngayong araw ianunsiyo ng Malakanyang ang desisyon ng Inter Agency Task Force (IATF) hinggil sa rekomendasyon luwagan ang pagsusuot ng face shield.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, inaasahang reresolbahin ito bilang standard operating procedures (SOP).
Maliban dito, minsa sa huling minuto pa napapalitan ang ilang komento kung saan kailangan nilang isama sa naturang resolusyon.
Aniya, naging paksa na ito sa kanilang isinagawang pagpupulong kahapon ng IATF, kinakailangan pa nilang hintayin ang pirmadong dokumento bago ito ianunsiyo sa publiko.