Naging matagumpay ang pagdaraos ng 2019 midterm election kahapon.
Ito ang naging pagtaya ng Philippine National Police sa kabilang ng ilang mga insidenteng nangayari sa kasagsagan ng halalan.
Ayon kay PNP spokesperson Col. Bernard Banac, wala silang naitalang anumang major incident maliban sa ilang mga itinuturing nilang isolated.
Binigyang diin naman ni Banac na hindi pa tapos ang kanilang tungkulin lalo’t nagpapatuloy pa aniya ang bilangan.
Sa pangkalahatan ay masasabi nating, napaka, generally peaceful and orderly ang naging halalan natin at sa ngayon ay patuloy pa rin ang ating seguridad na ipinapatupad dahil hindi pa tapos ang proseso. Nariyan pa rin ang mga election returns na kailangan nating bantayan sa mga canvassing centers at patuloy pa rin ang ating pinaiiral na mga security katulad ng gun ban at mga iba pang mga kautusan o mga batas sa ilalim ng eleksyon.” ani Banac.