Pinaghahandaan na ni Professor Antonio Contreras ang magiging hatol ng First Division ng COMELEC sa isinampa niyang disqualification case laban kay Senador Grace Poe.
Ayon kay Contreras, magkapareho ng argumento niya ang lumabas sa desisyon ng Second Division kahapon na pumapabor sa pag-disqualify kay Poe sa 2016 presidential elections.
Tiwala aniya siyang papaboran din ng mga miyembro ng First Division ang kaniyang isinampang disqualification case.
“Halos pareho kami ng argument may ipinunto nga lang ako sa aking petisyon na hindi masyadong napunto ni Atty. Elamparo which bilang karagdagan yun sa argumento niya, kasi meron siyang ginamit na ebidensiya na hindi ko magamit yung certificate of candidacy ni Grace Poe sa pagka-senador kasi hindi ko hawak ang dokumento, hindi isinumite ng kabilang kampo bilang evidence nila, mate-teknikal ako pag gamitin ko yun pero meron naman akong ibang pangtapat doon, alam naman niya na siya ay hindi resident, ba’t niya clinaim na resident siya.” Pahayag ni Contreras.
By Judith Larino | Karambola