Umaasa si Maguindanao Representative Toto Mangudadatu na magiging guilty ang hatol sa mga suspek sa Maguindanao massacre.
Ayon sa kongresista, tila isang pahiwatig na magiging paborable ang hatol dito matapos ang pagpapyag ng Korte Suprema sa live media coverage ng promulgation ng kaso.
Pinalalahanan naman ni Mangudadatu na kailangan maging maingat ang mga kaanak ng mga biktima ng massacre habang iniintay ang resulta.
Gaganapin ang promulgation ng 2009 Maguindanao massacre sa Huwebes, Disyembre19.