Ipinaubaya na ng Malakanyang sa Commission on Elections (COMELEC) ang desisyon kaugnay sa mga nasa narco list na tatakbo sa 2019 midterm elections.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, COMELEC na ang bahalang humatol kung ididiskwalipika nila ang mga kandidatong nasa listahan ng gobyerno na sangkot umano sa iligal na droga.
Gayunman sinabi ni Panelo, na dapat ay maging maingat ang COMELEC sa paghatol sa mga kandidatong nasa narco list.
Kailangan umano na magkaroon ng matibay na batayan ang COMELEC para idepensa ang kanilang desisyon at hindi gawing batayan lamang ang mga bagay hindi pa napapatunayan.