Bahagyang bumagal ang pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 sa Metro Manila sa nakalipas na linggo.
Ito ay ayon kay OCTA research OCTA fellow Dr. Guido David nananatiling nasa “low risk” sa COVID-19 ang National Capital Region (NCR).
Ani David, bumaba sa 4% ang seven-day average ng mga bagong kaso sa NCR gayundin ang average daily attack rate o ADAR .
Habang tumaas naman sa 0.26 hanggang 0.38 ang reproduction number o ang bilis ng hawaan ng virus sa rehiyon.
Samantala, nasa low-risk classification pa rin ang NCR base sa COVID Act now metrics na ginamit ng OCTA.