Nasa low risk na para sa COVID-19 transmission ang Metro Manila kasabay ng pagbaba ng reproduction number at iba pang pangunahing COVID figures.
Ayon kay OCTA Research Fellow, Dr. Guido David, gaya ng kanilang prediksyon ay bumaba na sa low risk classification para sa COVID-19 ang NCR hanggang kahapon.
Sumadsad na sa point 25 ang reproduction rate hanggang Pebrero a–9 kumpara sa point 41 noong isang linggo.
Bumaba naman hanggang kahapon sa 9.1% ang positivity rate kumpara sa 15% noong isang linggo habang ang average daily attack rate ay bumulusok sa 6.67 mula sa dating 17.83.
Lumagpak din sa 945 ang seven-day average cases simula Pebrero a–3 hanggang a–9 sa Metro Manila kumpara sa 2,525 average cases noong Enero–27 hanggang Pebrero a-2.