Mas bumaba pa ang reproduction number ng Covid-19 sa National Capital Region o NCR plus 8.
Ayon kay OCTA Fellow Dr. Guido David, kahapon, October 2 ay bumagal pa sa 0.83 ang antas ng hawaan ng Covid-19 sa NCR mula sa 0.98 na naitala noong nakaraang linggo.
Dahil dito, sa pagtataya ng OCTA, posible pang bumaba ang maitatalang reproduction number sa rehiyon sa ikatlong linggo ngayong buwan.
Mababatid na ang reproduction number ay tumutukoy sa pupwedeng mahawaan ng isang indibidwal na positibo sa virus.
Samantala, sa kaparehong pag-aaral ng grupo, naitala naman ang pinakamataas na reproduction number sa Davao City na nasa 0.89, sinundan ng Pampanga at Rizal na may 0.85.
Nasa 0.74 naman ang reproduction number sa Batangas; 0.70 sa Bulacan; 0.68 sa Laguna; 0.66 sa Cebu City at 0.63 sa Cavite.
Sa huli, nagpaalala ang OCTA research sa publiko na sumunod pa rin sa umiiral na health protocols kontra Covid-19.