Inihayag ng OCTA Research Team na unti-unti nang bumabagal ang hawahan ng Covid-19 sa Pilipinas.
Ayon kay OCTA research fellow Prof. Dr. Guido David, patuloy na bumababa ang reproduction number ng Covid-19 o ang bilang ng mga taong nhahawaan sa bansa ngayong buwan.
Sinabi ni David, bumaba din ang bilang ng mga bagong Covid-19 cases sa na mas mababa umano sa 3,000 kada araw.
Dagdag pa ni David, ikinukunsiderang nasa low risk classification ang bansa dahil sa mababang bilang ng Average Daily Attack Rate (ADAR) na kasalukuyang nasa 2.69 sa kada 100,000 populasyon.
Samantala, bumaba rin ng 14.3% mula sa dating 16.2% ang positivity rate sa bansa.
Naniniwala si David na kung mananatili ang kasalukuyang trend, asahan nang makapagtatala na lamang ng less than 1000 covid-19 cases kada araw sa bansa, pagsapit ng kalagitnaan ng Setyembre at 500 kaso naman sa katapusan ng nasabing buwan.