Patuloy na lumiliit ang hawak ng Maute terrorist group sa Marawi City.
Ayon kay AFP o Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Eduardo Año, nasa isa hanggang dalawang kilometro kwadrado na lamang ang kontroladong lugar ng Maute.
Batay sa tala ng AFP, nasa humigit kumulang isandaan at dalawampung (120) miyembro pa ng Maute ang nasa Marawi.
Gayunman, sinabi ni Año na kailangan pa nila ng sapat na oras para mabawi ang kabuuan ng Marawi dahil sa naka-posisyon pa rin sa mga gusali ang mga armadong terorista.
Ipinabatid rin ni Lt. Col. Jo-Ar Herrera ng Joint Task Force Marawi na narekober nila ang apatnapung (40) gusali na dating pugad ng mga teroristang Maute.
Sinabi ni Herrera na nailigtas din nila ang ilang hostages at maraming malalakas na kalibre ng baril ang narekober sa combat clearing operations.
By Ralph Obina | Judith Larino
Hawak ng Maute group sa Marawi lumiliit na—militar was last modified: July 3rd, 2017 by DWIZ 882