Binigo ng Atlanta Hawks ang unang laro kung saan sanib-puwersa sina Dwayne Wade at Derrick Rose ng Cleveland Cavaliers.
Nasilat ng Hawks ang Cavs kung saan naitala ang final score sa 109-93.
Tila minalas din umano si Kevin Love sa bagong papel bilang center ng Cavs kahit pa nakagawa ng 12 points at 5 rebounds sa 15 minuto ng paglalaro.
Nanguna naman sa magandang diskarte ng Atlanta si Dennis Schroder na kumamada ng 18 points.
Sa darating na Sabado naman haharapin ng Cavs ang host na Indiana Pacers samantalang bibisita naman ang Hawks sa Pistons.