Nag-tagumpay din ang Atlanta Hawks na matalo ang Los Angeles Clippers sa unang pagkakataon sa loob ng halos tatlong taon.
Gumawa ng 26 points ang rookie na si Trae Young at 22 points naman ang ambag ni John Collins para sumulong ang Hawks na natapos na ang limang dikit na pagkabigo sa Clippers mula nuong March 2016.
Ang nasabing panalo rin ay una ng Atlanta laban sa isang koponan mula sa pacific division ngayong season matapos malaglag sa unang limang laro.
Nagbigay naman ng ayuda sa Hawks si Alex Len na gumawa ng 19 points at siyam na rebounds mula sa bench.
Umiskor ng 30 points si Tobias Harris para sa Clippers na natukdukan na ang three game winning streak sa ikalawang gabi ng back to back.
Hindi nakatulong para manalo ang Atlanta ang ginawang 21 points at 9 assists ni Lou Williams gayundin ang 18 points ni Montrezl Harrell.