Nanawagan ang Volunteers Against Crime and Corruption o VACC kay Pangulong Rodrigo Duterte na hayaan si outgoing DENR o Department of Environment and Natural Resources Secretary Gina Lopez na maipagpatuloy ang kampanya nito kontra sa mapanirang pagmimina.
Ayon kay VACC founding Chairman Dante Jimenez, naniniwala silang ang laban ni Lopez ay siyang laban din ng Pangulong duterte.
Kasabay nito, hinimok din ni Jimenez ang mga non-government organization na pag-usapan ang naging desisyon ng Commission on Appointments o CA.
Una rito, sinabi ni Jimenez na malinaw na nanaig kahapon ang kasamaan, kaswapangan at interes ng mga negosyante at mga mambabatas.
Kahapon, hindi lumusot sa makapangyarihang Commission on Appointments si Lopez matapos na makatanggap lang ng 8 boto pabor sa kanyang kumpirmasyon.
Matatandaang muling itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Lopez bilang DENR Secretary matapos mabigong makalusot sa CA bago ang anim na linggong break ng Kongreso noong nakaraang Marso 15.
By Ralph Obina
Hayaang ituloy ni Gina ang kampanya vs. pagmimina—VACC was last modified: May 4th, 2017 by DWIZ 882