Hayaan na lamang ang DOJ o Department of Justice na gawin ang trabaho nito na imbestigahan ang nangyaring pagpatay sa binatilyong si Kian Loyd Delos Santos.
Ito’y makaraang manawagan sina Senadora Risa Hontiveros at Senate Minority Leader Franklin Drilon na mag-inhibit sa imbestigasyon si Justice Secretary Vitaliano Aguirre.
Sa panayam ng programang Usapang Senado nitong Sabado kay Senador Panfilo lacson, sinabi nito na nauunawaan niya ang sentimiyento ng kaniyang mga kapwa senador ngunit hindi dapat pigilan si Secretary Aguirre na gawin ang trabaho nito.
Kasunod nito, umaasa naman si Lacson na hindi na matulad kay dating CIDG Region 8 Commander Senior Supt. Marvin Marcos ang maging kapalaran ng mga pulis na sangkot sa pagpatay kay Kian.
By Jaymark Dagala / Usapang Senado Interview