Ginugunita ngayon ang ika-29th anibersaryo ng pinakamalakas na lindol na tumama sa Northern Luzon 1990.
Ang magnitude 7.8 na lindol ay tumama sa Central Luzon at karatig na mga lalawigan kabilang ang Baguio City.
Nag iwan ito ng mahigit sa 2,400 patay at pagkasira ng maraming mga gusali at imprastraktura kabilang ang Hyatt Hotel sa Baguio City.
Nagkaroon rin ng bitak na may habang 125 kilometro dahil sa lakas ng lindol na nagmula sa Digdig Fault.
Hazard Hunter PH pormal nang inilunsad ng DOST
Pormal nang inilunsad ng PHIVOLCS ng Department of Science and Technology ang isang bagong application na makakatulong para maging handa sa lindol at iba pang kalamidad.
Isinabay ng PHIVOLCS ang paglulunsad sa HazardHunterPH sa ika 29th na anibersaryo ng 7.8 magnitude ng lindol sa Northern Luzon noong 1990.
Ayon kay PHIVOLCS Director Renato Solidum, ang HazardHunterPH ay isang one stop application kung saan sa pamamagitan lamang ng isang click ay makikita na ng publiko ang hazard assessment sa mga lugar kung saan sila naninirahan.