Inihirit ni Sen. Joel Villanueva na palawigin pa hanggang sa susunod na taon ang pagbibigay ng dalawang special allowances para sa medical frontliners ng bansa.
Ayon kay Villanueva na siyang Chairman ng Senate Committee on Labor, hiniling niyang taasan pa ang alokasyon para sa special risk allowance at active hazard duty pay sa panukalang pambansang budget sa susunod na taon.
Ang hazard pay ay nakapailalim sa Bayanihan Law para sa mga public health workers habang ang SRA naman ay para sa mga kapwa nagtatrabaho sa pampubliko at pribadong ospital.
Sumatutal, aabot sa P3,000 kada buwan ang matatanggap na hazard pay ng mga public health worker o katumbas ng P136 kada araw.
Habang nasa P227 kada araw ang makukuha ng mga nagtatrabaho sa pampubliko at pribadong ospital o katumbas ng P5,000 kada buwan bilang SRA.