Nanawagan ang Malakanyang sa ahensiyang nangangasiwa sa mga benepisyo ng mga healthcare workers na ibigay na kanilang ang hazard pay.
Ito ay makaraang lumabas sa pagdinig ng Senado na mayroon pang 16,000 mga healthcare workers ang hindi pa nakatatanggap ng hazard pay sa kabila ng pagiging frontliner kontra COVID-19.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nagkaroon na ng katulad na insidente noon kung saan naantala ang pagkakaloob ng benepisyo para sa mga namatay at nagkasakit na mga frontliners.
Aniya, hindi na dapat hintaying makarating pa sa Pangulo ang ulat at muling makita ang tindi ng galit nito.
Sinabi ni Roque, dapat nang madaliin ng ahensiya na may hawak sa pondo ng mga benepisyo ng mga healthcare workers ang pagpapalabas naman ng kanilang hazard pay.