Isinusulong sa Kamara ang panukalang mabigyan ng hazard pay ang mga traffic enforcers ng MMDA o Metropolitan Manila Development Authority.
Batay sa inihaing panukalang batas ni House Committee on Metro Manila Development Vice Chair, Quezon City Representative Precious Hipolito Castelo, katumbas ng 20 percent ng basic salary ng mga enforcers ang ibibigay na hazard pay nang walang buwis.
Giit ni Castelo, nararapat lamang na bigyan ng hazard pay ang mga traffic enforcers na maghapong nasa daan at malapit sa peligro.
Magugunitang noong 2017, isinulong na ni MMDA Chairman Danny Lim ang 6,000 pisong hazard pay at omento sa sahoid ng mga tauhan ng ahensiya.