Inireklamo ng mga residente sa paligid ng Quezon Medical Center sa Lucena City ang ga-bundok na hazardous medical waste.
Ayon sa pamunuan ng ospital, hindi na kinaya ng kanilang storage facility ang dami ng mga basura kaya’t umapaw na ito at sa tagal na walang humahakot ay kumakatas at nagdudulot na ng mabahong amoy, lalo na kapag umuulan.
Doble umano ang volume ng hazardous waste na naiipon ng ospital kumpara sa kakayahan ng kanilang integrated sterilizer at shredder machine na nasa 200 kilos kada araw lamang ang kayang iproseso.
Samantala, tiniyak naman ng Quezon Medical Center na gumagawa na sila ng paraan upang alisin ang mga basura at inaasahang magsisimula na muling maghakot ngayong linggong ang kanilang contractor. —sa panulat ni Mara Valle