Pinag-iingat ng pamahalaang lokal ng Davao ang mga mamamayan nito matapos umabot sa Davao Region ang usok o haze mula sa nasusunog na kagubatan sa Indonesia.
Sinasabing noong isang linggo pa nababahala ang mga mamamayan ng Davao matapos mamataan sa himpapawid ang nasabing haze na una anilang inakalang kaulapan lamang dahil sa sama ng panahong hatid ng bagyong Lando.
Kinumpirma na ni Engr. Jerry Pedrico, pinuno ng PAGASA Davao na ang naturang usok ay galing sa forest fires ng Indonesia na umabot na sa Davao Region dahil sa hanging habagat na nakakaapekto rin sa Visayas at Mindanao.
Magugunitang apektado na rin ng nasabing haze ang southern Thailand, Vietnam, ilang lugar sa Brunei, Indonesia, Malaysia, Singapore at Cambodia.
By Judith Larino