Maituturing na crime against humanity ang haze na dulot ng forest fires sa Indonesia.
Ayon ito sa Metereology Climatology and Geophysics Agency mismo ng Indonesia.
Sinabi ng ahensya na hindi nakatulong ang mga pag-ulan sa sumatra at Kalimantan Island para maibsan ang haze at maging ang forest fires.
Pumapalo na sa 2,000 ang polutant standard index sa mga apektadong lugar sa Indonesia at ito ay sobrang mataas sa normal level na 300.
Labing siyam (19) katao ang nasawi sa Indonesia dahil sa iba’t ibang sakit na may kaugnayan sa haze.
By Judith Larino