Iginiit ng CHED o Commission on Higher Education na dapat nang ipagbawal ng lubusan ang kahit anong uri ng hazing sa fraternities.
Ayon kay CHED Executive Director Julito Vitriolo, panahon na para amyendahan ng mga mambabatas ang anti-hazing law at magpatupad ng ban sa hazing.
1990’s pa aniya naipasa ang anti-hazing law at mabigat naman ang parusang reclusion perpetua subalit marami pa rin ang nagsasagawa ng hazing.
“Meron pang implicit recognition ng batas mismo sa usapin ng hazing at violent imitation, kanila sigurong ipagbawal na ito nang tuluyan, kailangan ang batas na mag-aamyenda dito ay kailangang i-ban o i-prohibit ang all forms of hazing o violent imitations, hindi lamang ang rules and regulations.” Pahayag ni Vitriolo.
—-