Matinding bugbog dulot ng hazing at hindi atake sa puso ang naging sanhi ng pagkamatay ng UST Law freshman student na si Horacio ” Atio” Castillo III .
Ito ang inihayag ni Dr. Josephine Palmero ng medico legal division ng PNP o Philippine National Police sa pagpapatuloy ng pagdinig ng senado kaugnay sa kaso ni Atio kahapon.
Ayon kay Palmero, lumalabas sa Final autopsy report na nasawi si Atio bunsod ng severe blunt traumatic injuries kaya’t malaki ang posibilidad na magkaroon ng enlargement of the heart si Atio dahil sa tindi ng pamamaga nito.
Sinegundahan naman ito ni Dr. Maria Cecilia Lim, isang pathologist ng PGH o Philippine General Hospital na posibleng magresulta ng atake sa puso kung hindi nito kinakaya ang tindi ng bugbog na tinamo ni Atio.
Dahil dito, kinastigo ng mga Senador si John Paul Solano na nagsabing kakayanin naman ni Atio ang mga tinamong bugbog kaya’t tiwala silang atake sa puso ang kinamatay ng binata.