Lusot na sa ikalawang pagbasa ang House Bill 8165 o ang panukalang batas para sa pagbuo ng Department of Disaster Resilience.
Sa pamamagitan ng viva voce, inaprubahan ng mga kongresista ang panukala na layuning magkaroon ng hiwalay na ahensiyang tututok sa disaster preparednes, prevention, mitigation response, recovery at rehabilitation.
Nakasaad din sa panukala ang paglipat sa bubuoing Department of Disaster Resilience ng mga tungkulin ng Office of Civil Defense (OCD) at Climate Change Commission.
Ipasasailalim sa bagong ahensiya ang Bureau of Fire Protection, Health Emergency Management Bureau ng Department of Health (DOH) habang magiging attached agency nito ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) at Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Samantala, aabot sa P20.2 bilyon ang posibleng maging pondo nito sa susunod na taon batay na rin sa nakapaloob sa 2019 General Appropriations Act bukod pa sa P6.5 bilyon na quick response fund na maaari nitong gamitin.