Aprubado na sa ikalawang pagdinig sa kamara ang house bill 8829 o ‘An Act Protecting the Physical Integrity of a Cultural Property from Adverse Visual Impact and Penalizing Any Obstruction to its View and Sightline”.
Ito ay pag-amyenda sa RA 10066 o ang National Cultural Heritage Act of 2009 na nagpoprotekta sa mga makasaysayang lugar o bagay sa bansa na naging bahagi ng kasaysayan.
Layon ng naturang panukala na protektahan mula sa real estate development ang mga mahahalaga’t makasaysayang lugar at bagay na pamana ng mga ninuno ng bansa gaya ng national shrines, monumento, landmarks at iba pang pagmamay-ari ng bansa na mayaman sa kultura.
Matatandaang isa sa naging mainit na usapin noong mga nagdaang taon ang pagtatayo ng Residential Tower Torre De Manila sa likod ng Jose Rizal Monument sa Rizal park kung saan nagmistulan itong photobomber.—sa panulat ni Agustina Nolasco