Palapit na sa Moderate Risk Classification ang Healthcare Utilization Rate (HCUR) ng bansa sa patuloy na pagsirit ng kaso ng nasabing virus.
Ayon ito kay Treatment Czar Health Undersecretary Leopoldo Vega.
Kabilang aniya sa mga hotspots ang Metro Manila, Regions 1, 3, 6, 7 at 10 kung saan mayroong steady increase sa COVID-19 cases ang Laoag, Pampanga at Bulacan.
Sa Mindanao, inihayag ni Vega na bumaba ng bahagya bagamat itinuturing pa ring considerably high ang mga kaso ng COVID-19 sa Mindanao.
Sinabi ni Vega na ang HCUR ng Metro Manila ay tinukoy na bilang moderate risk dahil okupado na ng 58-60% ang mahigit 9,000 COVID 19 beds sa NCR.