Pinigilan ng Sandiganbayan na makalabas ng bansa si Chairman Nur Misuari ng MNLF o Moro National Liberation Front.
Nailabas na ng Sandiganbayan 3rd Division ang hold departure order o HDO laban kay Misuari at mga kapwa akusado sa tatlong (3) kaso ng katiwalian at malversation thru falsification of public documents.
Nangangahulugan ito na kailangang humingi ng permiso sina Misuari sa korte bago makalabas ng bansa.
Kapwa akusado ni Misuari sa kaso sina dating DepEd ARMM Executives Director Leovigilda Cinches, Supply Officer Sittie Aisa Usman, Accountant Alladin Usi, Chief Accountant Pangalian Maniri at COA Auditor Nader Macagaan.
Nagsabwatan di umano ang mga akusado para makuha ang isandaan at labin limang (115) milyong pisong pondo ng DepEd ARMM sa pamamagitan ng pamemeke ng mga vouchers purchase orders at iba pang dokumento upang palabasing bumili sila ng textbooks.
By Len Aguirre | with report from Jill Resontoc (Patrol 7)
HDO vs. Misuari inilabas na ng Sandiganbayan was last modified: June 6th, 2017 by DWIZ 882