Sinibak ng Cleveland Cavaliers team ang kanilang head coach na si David Blatt, apat na araw matapos makatikim ng matinding pagkatalo ang Cavs sa NBA Season noong laban nito sa Golden State Warriors kung saan ang score ay 83-40 pabor sa Warriors.
Paliwanag ng General Manager ng Cavs na si David Griffin, hindi na akma si Blatt sa kanilang mga tauhan at sa kanilang vision bilang elite team.
Kung matatandaan, si Blatt ang tumulong sa Cavs na makarating sa NBA Finals noong nakaraang taon.
Samantala, kinumpirma ni Griffin na ang papalit kay Blatt ay ang top assisstant ng koponan na si Tyronn Lue na siyang magiging full time coach ng Cavs.
By Jonathan Andal