Hindi pabor ang head ng Vaccine Expert Panel na si Dr. Nina Gloriani sa boluntaryo o opsiyonal na pagsusuot ng facemask.
Ayon kay Gloriani, mas mainam kung hintayin muna ng publiko na maging stabilize o matatag ang kaso ng covid-19 sa bansa bago ipatupad ang hindi obligadong pagsusuot ng face mask.
Iginiit ni Gloriani na patuloy parin sa pabago-bagong sitwasyon ang kaso ng covid-19 kung saan, hindi pa ito nagpaplateua o hindi pa consistent ang mababang trend nito.
Sinabi pa ng eskperto na bukod sa baba-taas na kaso ng covid-19, mababa parin ang bilang ng mga nagpapaturok ng booster dose na pinaka-kailangan ng publiko bilang proteksiyon laban sa naglipanang ibat-ibang uri ng virus partikular na ang omicron.
Naniniwala si Gloriani na isa sa mga dahilan kung bakit hindi parin stable ang mababang kaso ng covid-19 ay dahil problema parin ang pagsusuot ng face mask.