Nanatili sa 3% ang naitalang inflation sa nakalipas na buwan.
Ito ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) ay sa kabila ng krisis sa Ukraine kung saan tumaas sa 3% ang consumer price index na nasa target pa rin ng gobyerno.
Una nang inihayag ni BSP Govenor Benjamin Diokno na maaaring manatili sa target ang inflation basta’t hindi lamang tataas sa 95 dollars kada bariles ang presyo ng Dubai Crude.
Ang inflation rate ay bilis ng pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo.