Nanawagan ang ilang organisasyon kabilang na ang grupo ng Health workers at Human rights para sa agarang pagpapalaya sa health worker na si Dr. Ma. Natividad “Naty” Castro na inaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) sa San Juan City noong Biyernes.
Matatandaang si Castro sinasabing miyembro umano ng Communist Party of the Philippines (CPP) at nahaharap sa kasong kidnapping at serious illegal detention.
Dahil dito, naglunsad ng kampaniyang “Free Dr. Naty Castro Now” sa harapan ng University of the Philippines-Philippine General Hospital (UP-PGH) ang ibat-ibang organisasyon kabilang na ang Health Action for Human Rights (HAHR), the Community Medicine Practitioners and Associates Association (COMPASS), the Health Alliance for Democracy and the Protection and Justice for all Frontline Health Workers (RPROJUST).
Hiling din ng mga grupo ang agarang pagbasura sa lahat ng “trumped-up charges” o mga kaso na ginagawa laban kay Dr. Naty.
Sa naging pahayag ng kaklase ni Castro sa UP College of Medicine na si Dr. Julie caguiat, inosente at hindi kriminal ang doktor na inakusahan ng PNP.
Ayon pa sa mga grupo, dapat ay tinatrato ng tama at binibigyang halaga ang mga health worker na kagaya ni Dr. Naty dahil taus-puso itong tumutulong sa bayan para mapuksa ang COVID-19 sa bansa. —sa panulat ni Angelica Doctolero