Epektibo na bukas, Enero a-24 ang pagdedeklara ng ‘health break’ sa lahat ng antas ng klase sa Urdaneta, Pangasinan.
Ayon kay Mayor Julio Parayno, mabibigyang panahon ng class suspension ang mga guro at mag-aaral na magpahinga dahil sa pagod sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Habang nilalayon din nitong i-recalibrate ang minimum health standards sa siyudad.
Nitong Biyernes, nasa 113 ang naitalang bagong kaso sa Urdaneta. —sa panulat ni Abby Malanday