Dahil sa mainit na usapin ngayon sa pulitika dulot ng paparating na 2016 Presidential Elections, tila natabunan ang isa sa malaking balita, ito ay ang kaawa-awang pagkamatay ng kilalang recipient ng 2010 Nobel Peace Prize sa larangan ng Chemistry na si Richard Heck, 84 anyos ang edad.
Ang pagpanaw ni Heck ay hindi lamang isang ordinaryong pagkamatay, bagkus ito ay maituturing na karumaldumal na paraan ng pagwakas sa buhay ng isang nilalang na nagbigay ng karangalan sa buong mundo dahil sa naiambag nito sa medical breakthrough.
Mantakin niyo, namatay si Heck dahil sa tinanggihan umano na mabigyan ng agarang medical attention sa isang pribadong ospital sa Maynila dahil sa wala raw itong pambayad, kung kaya’t dahil sa pinagpapasahan, bumagsak ito sa isang pampublikong pagamutan kung saan siya binawian ng buhay.
Hindi ba’t napaka-ironic dahil, kung sino pa itong nilalang na siyang nakatuklas ng paraan para makalikha ng gamot na makakaligtas sa mga dumaraming nagkakasakit, ang siyang ipinagkait ng tulong medikal sa bansang Pilipinas.
Kung tutusin, kahiya-hiya ang ating bansa dito sa pangyayaring ito, dahil mas nagiging lantad at glaring ang totoong estado at anong klaseng ospital meron tayo sa Pilipinas.
Ang mas nakagagalit pa ay itong inaasahang mga pribadong ospital na alam nating may kakayahan mag-ligtas ng buhay ay mas inuuna pa ang pera o kita keysa sa pagligtas ng buhay.
Uulitin ko, hindi masamang mag-negosyo at kumita, sana may konting konsiderasyon man lamang!
Ano ba namang gamutin muna ang isang tanyag na tao, upang maisalba ang buhay nito at bahala na ang paniningil sa ibang araw.
Kaya naman, hindi malayong nangyayari ito sa ating mga mahihirap na kababayan na dahil sa walang pambayad sa serbisyo ng isang well-equipped hospital ay madali nilang iitsapwera ang mga ito, hanggang sa ikamatay na lamang nila dulot ng kawalan ng serbisyong medikal.
Sa madaling salita, ang mga tulad ni Heck at ilan nating mga kababayang salat sa perang pampagamot ay maituturing na biktima ng “profit-driven health care system at higit sa lahat dahil sa kapabayaan ito ng ating gobyerno.
Tayo ay umaasa na maging eye-opener sana ito na sa mga tatakbong politiko na naghahangad na mahalal sa susunod na halalan na sana man lamang ay bigyang prioridad ang isyu ng makatotohanang health care system sa ating bansa.