Iginiit ng Malakanyang na malaki na ang pinagbago ng Pilipinas sa aspeto ng pangangalaga sa kalusugan ng mamamayan o healthcare.
Reaksyon ito ng palasyo sa lumabas na 2015 quality of death index na pinangunahan ng Lien Foundation.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abegail Valte, ang mas pinalawak at pinalakas na repormang ipinatupad sa Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth ang makapagpapatunay na naibibigay na sa lahat ang serbisyong medikal na kailangan nilang makuha.
Partikular na rito aniya ang pagpapalawak sa saklaw ng z-benefits kung saan, maaaring makuha ng mga mahihirap ang 100 porsyentong coverage sa alinmang sakit.
Gayunman, sinabi ni Valte na patuloy pa ring magsusumikap ang gobyerno na paigtingin pa ang kampanya nito sa pagbibigay ng angkop ng serbisyong medikal lalo na sa mga kanayunan.
Nakasaad sa pag-aaral ng Lien foundation, pang 78 ang Pilipinas mula sa 80 bansa sa mundo na maraming namamatay dahil sa sakit na hindi nabibigyan ng tamang atensyong medical.
By: Jaymark Dagala